Miyerkules, Setyembre 19, 2007

Dakilang Baliw


Baliktanaw sa isang nakakabaliw na"Kaibigan")....siya'y nakaupo, ugh..smelling filthy dahil wala syang banyo o kaya takot sa tubig--saklolo umuulan!!...lugmok na lugmok...umiiyak...madungis at para bang si Sharon Cuneta ang feeling "Pasan ko ang Daigdig" kasama ng hirap at gulo ng buong mundo...minsan,naiisip nya ang sarili, kawawa daw siya, nagmamakaawa, kawawang-kawawa.......

kaya ngsenti, iyak nang iyak....nang dumaan ako,bigla na lang akong tinitigan...di ko alam ang gawin, pano ba? smile din ako? iirap? " 'ala lang" look? o mag-tiger look? ......tingin kaagad sa kamay, baka maaga pa akong mamamatay at killer pa ito....sabog na ang utak nito, di mo ma-forecast ang weather sa kanya....

buti pa yong asawa ng kapitbahay ko, puede kang mag-ulat panahon ng kanyang emosyon...ito, hindi...buti pa siguro ang asong si Bantay, alam mo kung kelan at bakit kakahol o kakagat....ito, biglaan lang kakagatin ka....pero ano kaya ang nasa isip nya? pabago-bago siguro ano? .....pero O Puso kong mahabagin, maawa ka sa pobreng alindahaw na ito....di naman niya siguro gusto ang nangyari sa kanya...

pag alam niya kung gaano siya kahiya-hiya ngayon, di naman niya siguro piliin ang kalagayan niya ngayon.....wala na kasing ibang daanan papuntang simbahan kungdi ang maliit na eskinita sa gilid ng palasyo ng obispo...tingin ako ng diretso, ekanga'y walang tao at bigla na lang tinawag ako "Kaibigan!!" sabay kamot ng kanyang mala-bunot na buhok...aheheh! Ngiting-aso ako, "hi, kaibigan"ma'yong aga"....

naala-ala ko lang ang isang baliw na babae na umaaligid-aligid noon sa Bacolod malapit sa San Sebastian Cathedral(di ko alam kung buhay pa siya...kung hindi pa, sumalangit nawa ang kaluluwa niya")....Minsan nakikinig lang sa choir praktis namin...harmless naman pero di mo saulo ang takbo ng utak.

Pero nais kong ibahagi sa inyo ang lyrics at kanta ni Kuh Ledesma sa sulat ni Mon del Rosario--- "Sino ang Baliw"....... isang pagdadakila sa mga totoon at clinically-approved na mga baliw at pagbubukas ng mata sa mga taong ayos matino, asal-baliw pala....




Sino Ang Baliw
Composed by Elizabeth Barcelona

Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw awit na walang laman
Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman

Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat

Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ooh.....Ahh.......

Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal

Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Kaya't sino, sino, sino nga
Sino nga ba
Sino nga ba
Sino nga ba ang tunay na baliw

Sabado, Setyembre 15, 2007

wow mali!

ANO BA TAMANG SPELLING NGA? RIGHT? OR RIGTH? hahahah..pinoy nga naman...


kayo? ano order nyo?





Miyerkules, Setyembre 12, 2007

kakatawa lang



eto, nadaan ko....hayuf ang pinoy talaga! hahaha..parang may mali..hehehe


nakuha ko ito sa email ko at ako ay tawa ng tawa....ano kaya kung ganito ng ang stamp natin????





Lunes, Setyembre 10, 2007

ANG AMING KUSINERA


Bata pa ako ay kusinera na namin ang nanay ko. Ang tatay lang namin ang nagtatrabaho noon, at s'ya sa bahay lang. Kaya naman, lumaki kaming magkakapatid na laging busog dahil sa mga masasarap na ulam na hinahain sa amin ng Nanay ko.
Kapag almusal, minsan longganisa at scrambled egg na may kamatis at sibuyas. Minsan naman, mainit na tsamporado na maraming gatas, saka tuyo. Lalong masarap kainin 'to kapag bumabagyo at nai-announce na sa radyo na walang pasok. Kanya-kanyang sandok na ng tsamporado! Minsan naman, ang almusal namin ay sinangag at hotdog na iginisa sa bawang at sibuyas, tapos may sarsang pinaghalong catsup at toyo. Kakaiba di ba? Lutong boyscout daw 'yun, sabi ng Nanay ko. 'Yun daw ang niluluto noon ng tatay ko nung boy scout pa s'ya.
Kung binubusog ni Nanay ang almusal namin ng mga luto n'ya, binusog n'ya rin ang kabataan namin ng kalinga ng isang mabuting ina. Apat kaming magkakapatid, at lahat kami, naranasang maihatid ng aming Nanay sa unang mga taon ng aming pagpasok sa eskwelahan. Ang paborito n'yang i-k'wento ay ang mga unang araw ng ate ko sa kindergarten. Ayaw daw magpaiwan! Lagi s'yang tinitingnan kung nasa labas pa s'ya ng classroom. Kahit daw nakapikit na nagdadasal, paminsan-minsan dumidilat at sulmusulyap sa kinalalagyan ni Nanay. Tapos, kapag makikitang wala s'ya, iiyak at hahanapin s'ya. Tipikal na reaks'yon ng isang bata di ba? Pero sa mata ng isang batang katulad ng ate ko noon, ang mawala sa paningin ang nanay na naghahatid sa kanya sa eskwelahan ay isang bagay na maihahalintulad na sa pagkagunaw ng mundo. Exaggerated? Sa tingin ko, hindi.
Basta ako, hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung mga panahon na hinahatid at binabantayan ako ni Nanay sa eskwelahan. Nursery ako noon, at naalala ko na kapag uwian na, lagi n'ya akong pinapakain ng palabok sa isang kainan malapit sa plaza. Tapos, dadaan kami sa tindahan ni Parabot, at ibibili n'ya ako ng librong pambata, tulad ng Ang Batang Tinapay, Ang Duwende at ang Sapatero, at kung anu-ano pa.
Binusog ng nanay ko ang aming almusal at ang aming kabataan.
Bata pa ako ay kusinera na namin ang nanay ko. Kapag tanghalian naman, lalo na kapag weekends, mas madalas kaysa hindi na may sabaw ang ulam namin kapag sabado't linggo. Sinampalukan o sinigang...nilaga...sopas...tinola...'Yan, 'yan ding mga putaheng 'yan ang madalas naming ipaluto sa kanya kapag Antioch weekend, 'yung taunang retreat namin sa Antioch del Pilar, ang grupo ng mga kabataan na tinagurian ang Nanay ko na reyna ng Team B. Ang Team B ang nag-aasikaso ng kakainin sa Weekend, at mahabang panahon din na ang Nanay ko ang isa sa mga kusinera doon. Mga gamit din ni Nanay sa kusina ang gamit namin noon sa pagluluto ng ihahain sa Weekend. Kalan..talyase...sandok, lahat 'yan mula sa kusina ni Nanay. Matagal-tagal din naging kusinera ng Team B ang Nanay ko, at sigurado ako, hanggang ngayon, di nakakalimutan ng mga Antiochers ang mga k'wentong kusina at ang famous giniling ni Kakang Bining, ang dating kusinera at reyna ng Team B.
Binusog ng nanay ko ang aming tanghalian at ang aking mga kaibigan.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin si Nanay sa pangungusina. Alas-tres pa lang ng umaga, gising na 'yan para maghanda ng almusal, hindi na para sa amin kundi para na sa mga apo n'ya. At pagpatak ng alas-diyes, taga-hatid ulit sa school ang papel n'ya. Kung ang Tatay ko ang taga-hatid ni Via, ang Nanay ko naman ang taga-hatid at taga-bantay ni Von. S'ya rin ang taga-hatid ni Ron dati, ang unang apo nila ng Tatay ko. Hanggang ngayong nasa takipsilim na s'ya ng kanyang buhay, di pa rin s'ya nagpapapigil na busugin ng mga luto n'ya at ng pagmamahal n'ya ang kanyang mga apo.
Nagdaan na ang ilanpung taon, hapunan na at wala pa rin kakupas-kupas si Nanay sa pangungusina, at sa pagiging dakilang ilaw ng tahanan.
Sayang nga lang at di ko na araw-araw natitikman ang luto ni Nanay. Di na kasi ako araw-araw umuuwi ngayon sa bahay. Nakabukod na ako ng tirahan dahil sa tawag ng busy schedule sa trabaho at sa pag-aaral. Pero alam n'yo ba, t'wing umuuwi ako sa bahay minsan isang linggo, lagi akong pinapabaunan ng Nanay ko ng kung anuman ang nakahain sa mesa ng araw na 'yun. Nu'ng unang gabi na umalis ako sa amin, pinaputok na tilapya at atsarang labanos ang pinabaon sa akin. Nu'ng minsan naman, spaghetti at dalawang pirasong ponkan, at pagbukas ko ng bag ko, may isang supot ng cornik na isiniksik sa pagitan ng mga damit. Di ko alam kung ano pa ang mga susunod n'yang pabaon, pero ang alam ko marami pa. Kasing-rami ng mga bilin at recipe na itinuro n'ya sa mga ate ko noong napagpasyahan nilang manirahan na sa Amerika. Naaalala ko pa noon, tumawag pa ang ate ko ng overseas para lang itanong kay Nanay ang recipe ng menudo, o leche flan ba yun? Basta, nagtanong sya ng recipe. Libo-libong cookbook man ang nabibili sa bookstore at nakukuha sa internet, mas gusto pa rin namin ang recipe ng Nanay namin. S'yempre naman, may secret ingredient 'yung mga luto n'ya. Sa kanya n'yo na lang itanong kapag nakita n'yo s'ya.
Magaling na kusinera ang Nanay ko. Di lang sa kusina, kundi sa buhay mismo. Di man kami laging nagkakasundo dahil magkaiba ang approach namin sa pagluluto at diskarte sa buhay, madalas mang mas maanghang pa sa mga luto n'ya ang mga salitang namamagitan sa amin, alam kong sa bandang huli, luto n'ya pa rin ang tutularan ko.
Binusog ng Nanay ko ang almusal, tanghalian, at hapunan ng aming pamilya at alam ko patuloy n'ya pa rin kaming bubusugin ng kanyang mga luto bilang isang kusinera at mga pangaral bilang isang ina.
May midnight snack pa.

Sabado, Setyembre 8, 2007

S a n a n a n d i t o k a.




Sabay sana tayong nakasubsob sa harap ng mga libro natin habang nagsasalo sa french fries at coke, dito sa isang malamig na sulok ng mcdo. Di bale ng mag-ala-paige morgan ako ng ' the prince and me' na kailangang basahin ng labinlimang beses ang isang sentence dahil nadi-distract ako kapag napapatingin ako sa 'yo.
Mas nakaka-inspire pa ring mag-aral at magbasa kung kasama ka.
Bakit nga ba kailangang magkalayo tayo? Oo nga pala, times are hard. Kailangang kumayod para may pantustos sa pag-aaral natin at sa ating so-called kinabukasan. Di bale, matagal-tagal pa naman tayong mag-aaral. Siguro naman, bago tayo makatapos, magkakaroon din tayo ng pagkakataon na magkasabay sa pag-aaral, lalo na pag ganitong panahon na naman ng mga exams.
Meanwhile, pagt'yat'yagaan ko na munang mag-aral mag-isa.
Pipilitin kong intindihin lahat ng binabasa ko, kahit na bumabalik ang isip ko sa 'yo, at sa simpleng hiling na sana katabi kita, nag-aaral at kasalo sa pagkain ng french fries at pag-inom ng coke, dito sa isang malamig na sulok ng mcdo.
disclaimer: this entry may or may not fully reflect the present situation of the writer. uuy, defensive! heheh

Biyernes, Setyembre 7, 2007

buhok sa kilikili


nag bus ako kanina papunta sa pinsan ko sa munoz. meron akong mama na nakatabi na naka sando at nakataas pa ang kamay nya. dahil standing na lang, medyo malapit sa mukha ko ang kilikili nya. ang kapal ng mukha! nakita ko mabasa basa ang kilikili nya! sana hindi siya manhid na may katabi sya. tinakpan ko na nga ang ilong ko para alam niya na naiilang ako at meron siyang amoy! bakit ang ibang tao napaka manhid sa nararamdaman at kilos ng iba? ang ginawa ko nga, nag laro ako ng lighter at pinipitik pitik ko. Edi effective! binaba nya ang kamay niya. natakot siya masunog buhok niya sa kilikili.


*sana magkaroon siya ng pigsa sa kaliwat kanan na kili-kili para laging nakataas na lang ang kamay niya! hahaha! (joke) mabait po ako.

Huwebes, Setyembre 6, 2007

UNANG UNOS

eto ang unang unos sa aking buhay. ang pag sulat at pag post sa blog. hindi ko talaga alam kung ano ang kalokohan at katarantaduhan kung bakit ko kailanagn gawin ito? ako ba ay sawi sa pagibig? ako ba ay nagiisa sa buhay? ako ba ay tumatawag ng pansin lamang? o kaya'y WALA lang? Para makigaya sa nakakarami na matawag na may blog?

kaibigan, huwag ka lang magmasid sa akin.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy