Sabado, Setyembre 8, 2007

S a n a n a n d i t o k a.




Sabay sana tayong nakasubsob sa harap ng mga libro natin habang nagsasalo sa french fries at coke, dito sa isang malamig na sulok ng mcdo. Di bale ng mag-ala-paige morgan ako ng ' the prince and me' na kailangang basahin ng labinlimang beses ang isang sentence dahil nadi-distract ako kapag napapatingin ako sa 'yo.
Mas nakaka-inspire pa ring mag-aral at magbasa kung kasama ka.
Bakit nga ba kailangang magkalayo tayo? Oo nga pala, times are hard. Kailangang kumayod para may pantustos sa pag-aaral natin at sa ating so-called kinabukasan. Di bale, matagal-tagal pa naman tayong mag-aaral. Siguro naman, bago tayo makatapos, magkakaroon din tayo ng pagkakataon na magkasabay sa pag-aaral, lalo na pag ganitong panahon na naman ng mga exams.
Meanwhile, pagt'yat'yagaan ko na munang mag-aral mag-isa.
Pipilitin kong intindihin lahat ng binabasa ko, kahit na bumabalik ang isip ko sa 'yo, at sa simpleng hiling na sana katabi kita, nag-aaral at kasalo sa pagkain ng french fries at pag-inom ng coke, dito sa isang malamig na sulok ng mcdo.
disclaimer: this entry may or may not fully reflect the present situation of the writer. uuy, defensive! heheh

3 nangalabasa:

Mel Avila Alarilla ayon kay ...

Hi Bb. Kalabasa,
Salamat sa pagbisita mo sa blog ko at sa maganda mong komento.

Awwww, nakakalungkot naman ang nangyayari sa iyo. Hindi bale, marami pa namang pagkakataon at makakasama mo rin siya. Ganoon talaga ang buhay,
parang korning nobela. Kaya lang kailangang magsakripisyo para sa kinabukasan nyo. Pag nasa mc do kang mag isa isipin mo na lang na ang ka date mo ay si Ronald McDonald malay mo baka malibre ka pa sa tsibug. Sanay maayos na ang sari sarili nyong buhay at pareho kayong makapagaral at magkasamang kumain sa mcdo. Ang pagpapala ng Diyos ay mapasainyong dalawa at sa inyong magandang kinabukasan.

Gumagalang,
Walang pakundangang Mel langgam sa gabi dahil sa dyabetes.

bb.kalabasa ayon kay ...

magandang umaga mel,

ganyan talaga ang buhay! kailangan natin una una lang..ay! mali pla! kailangan mag sacripisyo para sa ikauunlad.:)

salamat ulit sa pag daan.

xxiv. ayon kay ...

bb. kalabasa, sana matuto kang bigyan ng credit ang totoong sumulat ng artikulong ito. hindi ikaw ang sumulat nito, kinuha mo lang ito sa isang blogsite na hindi sa iyo. konting respeto naman sana.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy