Biyernes, Setyembre 7, 2007

buhok sa kilikili


nag bus ako kanina papunta sa pinsan ko sa munoz. meron akong mama na nakatabi na naka sando at nakataas pa ang kamay nya. dahil standing na lang, medyo malapit sa mukha ko ang kilikili nya. ang kapal ng mukha! nakita ko mabasa basa ang kilikili nya! sana hindi siya manhid na may katabi sya. tinakpan ko na nga ang ilong ko para alam niya na naiilang ako at meron siyang amoy! bakit ang ibang tao napaka manhid sa nararamdaman at kilos ng iba? ang ginawa ko nga, nag laro ako ng lighter at pinipitik pitik ko. Edi effective! binaba nya ang kamay niya. natakot siya masunog buhok niya sa kilikili.


*sana magkaroon siya ng pigsa sa kaliwat kanan na kili-kili para laging nakataas na lang ang kamay niya! hahaha! (joke) mabait po ako.

2 nangalabasa:

Mel Avila Alarilla ayon kay ...

Hi Bb. Kalabasa,
Pasensya ka na kung naligaw ako sa blog mo. Nakita ko ang pangalan mo sa blog roll ni miss kurdapya at since tuwang tuwa ako sa kakalogan niya, naisip kong maaaring kalog din ang ibang ka blog niya. Hindi ako nagkamali dahil kalog ka rin pala. Next time magdala ka ng tyani at tyaniin mo ang buhok sa kilikili ng sino mang makakatabi mong lalaking naka sleeveless at labas ang buhok. He, he, ang sakit siguro. Pasensya ka na kung medyo straight forward ang dating ko. Para ka kasing si miss kurdapya at naging at home na rin ako sa blog mo. Sana hindi mo masamain.

Medyo corny at serious ang blog ko pero iniimbitahan kitang dalawin yun. Inilink na pala kita sa blog roll ko kung hindi mo mamasamain.

Salamat sa nakakaaliw na artikulo at God bless you and your family with all the humor and joy in this world.

Miss Kurdapya ayon kay ...

masarap ba amoy?hehehe

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy